Limewire Titos and Titas, ‘Di Mo na Need ng Antivirus!

Limewire Titos and Titas, ‘Di Mo na Need ng Antivirus!

Icrs • 2024

Isa ka rin ba sa mga dating tambay sa limewire na kada-download ay nagkakaron ng tons of ad pop-up? Any titos and titas na can relate? Just me? Ok. Tamang-tama dahil a lot of our customers have asked kung kailangan pa rin nila ng antivirus software in this day and age. The quick answer is no.

The long answer is may mga factors na kasi na nagiging rason bakit hindi mo na kailangan ng third-party antivirus software when purchasing a laptop or building a new desktop. Some of the factors include:

  1. Windows Defender being a thing – For an average user pwedeng-pwede na ang Windows Defender. May mga features si Windows Defender tulad ng Virus and Threat Protection at Controlled folder access para ma-notify ka kung may na-detect si Windows Defender ng mga possible threats.
  2. Bloatwares – Sa dami ng mga nilalagay ng mga third-party antivirus softwares sa kanilang service, hindi lahat nagagamit ang features na ‘to especially for the average and casual user. Dagdag lamang sa mga software na ‘di mo naman talaga kailangan sa desktop o sa laptop mo.
  3. ‘Di biro ang subscriptions for third-party antivirus softwares – May kamahalan ang antivirus software for the casual user. And kung katulad mo kaming ayaw ng maraming bayarin, most definitely aaray ka rin sa mga subscription-based third-party antivirus softwares. As per our checking, umaabot sa 1,000 ang pinakamababang subscription or mabibiling software sa market. 
  4. If it’s free, you’re definitely the product – kung sakaling may mahanap ka mang free alternative for the subscription-based software ay most likely ikaw ang produkto. Maaaring ma-compromise ang data mo as a user. Kasama na rin dito ang mga annoying pop-up ads na ginagamit ng mga free antivirus software.

We’re not saying na wag ka na gumamit ng third-party antivirus boss, we just think na very unnecessary na siya in buying a laptop or a desktop. With all these factors in mind, may mga other matters pa within the web na dapat mong bigyan ng attention katulad ng mga phishing links na hindi naman kinakailangan ng antivirus softwares.

Boss, remember na in surfing the web, think before you click. Iba pa rin kung alam mo yung mga pinupuntahan mong links and mga bagay na dina-download mo as a responsible user of the web.